Ipapakita ko sa inyo ang hakbang kung paano mag register sa GCash. Bago ang lahat, kinakailangan nyo ang mga sumusunod:
- Smartphone pwede Android or iOS
- Aktibong mobile number (pwedeng gamitin ang alin man sa mga sumusunod tulad ng Smart, TNT, Sun, ABS-CBN mobile, Cherry Mobile, Globe, and TM)
- The latest version ng Facebook Messenger app at GCash app
- Internet connection via WiFi or mobile data
STEP 1 – Kailangan mo ng invitation or referral link na isesend sa inyong Facebook Messenger para masimulan ang pag-gawa ng GCash account. Para maipadala ko sa inyo ang invitation link, paki-message ako sa link na ito.

Pindutin ang “CONTINUE” para magsimula ng GCash account.
STEP 2 – Pindutin “MONEY” sa mga pagpipilian.

STEP 3 – Pindutin ang “GET STARTED”

Step 4 – Ilagay ang inyong 10 digit mobile number (paki tanggal ang zero). Dahil ang GCash pwede sa lahat networks, pwede kayong ng Smart, TNT, Sun, ABS-CBN mobile, Cherry Mobile, Globe, and TM number. Siguraduhing aktibo ang mobile number na iyong gagamit sa pag register ng account. Pindutin ang “CONTINUE” para magpatuloy.

STEP 5 – Matapos ilagay ang inyong mobile number, ikaw ay padadalhan ng verification code sa iyong mobile number. Pindutin ang “OK” para magpatuloy.

STEP 6 – Hintayin ang verification code (6 na numerong code) na ipapadala sa inyong mobile number. Tumatagal ng 2-3 minuto bago mo natanggap ang verification code. Ilagay ang verification code at pindutin ang “CONTINUE“. May mga pagkakataong automatic na nailalagay ang verification code kapag ito ay natanggap na ng inyong cellphone.

STEP 7 – Kapag nailagay mo na ang verification code, kailangan mong sumang-ayon sa Terms and Conditions ng GCash and Facebook. Para gawin yon, pindutin lamang “ACCEPT” para magpatuloy.

STEP 8 – Matapos sumang-ayon sa Terms and Conditions, ang GCash ay gagawan ka ng account. Maghintay lamang ng ilang sandali upang malaman na ang inyong GCash ay maari nang gamitin. Makakatanggap ka ng text confirmation kapag matagumpay kang nakagawa ng GCash account. Para matanggap mo ang P50.00 GCash, kinakailangan mong mag log-in ka sa GCash app. Kailangan mong mag assign ng MPIN sa inyong GCash app, pindutin lamang ang “MONEY” sa mga pagpipilian.

STEP 9 – Mag-scroll pababa at hanapin ang “YOUR ACCOUNT” at pindutin ito.

STEP 10 – Pindutin “CREATE PIN” para mag-assign ng MPIN sa inyong GCash app.

STEP 11 – Ilagay ang 4 digit MPIN na inyong nais. Huwag kalimutan ang MPIN dahil importante ito kapag gagawa ng transaksyon sa GCash. Mahalaga ang MPIN para maka log-in ka sa GCash app. Iwasan na ipamahagi sa ibang tao ang inyong MPIN para maiwasan ang unauthorized access sa inyong account.

STEP 12 – Ilagay muli ang MPIN para magpatuloy.

STEP 13 – Ilagay ang iyong Facebook password para makumpleto ang proseso.

STEP 14 – I-open ang inyong GCash app at ilagay ang inyong mobile number at pindutin ang “NEXT“

STEP 15 – May matatanggap kang text message na naglalaman ng 6 na numerong code. Ilagay ang code sa inyong GCash app at pindutin ang “SUBMIT CODE”. May mga pagkakataong automatic na nailalagay ang verification code kapag ito ay natanggap na ng inyong cellphone.

STEP 16 – Matapos ilagay ang verification code, ilagay ang inyong MPIN para maka log in sa GCash app.

STEP 17 – Kailangan mong sumang-ayon sa Terms and Conditions ng GCash. Pindutin lamang ang “ACCEPT AND CONTINUE” para magpatuloy.

STEP 18 – Binabati kita, matagumpay ang paggawa mo ng GCash account.

PAALAALA:
- Parehong makakatanggap ng P50.00 GCash ang nagrefer at nag sign up. Umaabot ng 3-5 business days bago matanggap ang P50.00 GCash. Makakatanggap ka din ng text confirmation kapag ang P50.00 GCash ay nacredit na sa inyong account
- Sa mga non verified GCash account user, maaring magrefer ng 25 katao kada buwan (katumbas ito ngP1,250). Sa kabilang banda, ang mga verified GCash user ay maaring magrefer ng 50 katao kada buwan (katumbas ito ng P2,500)
- Para sa karagdagang impormasyon, magtungo lamang sa GCash Help Center.